December 27, 2008

Takipsilim (Twilight, Filipino version)


I nearly died laughing. I want to marry the psycho-genius who created this thing. Bahahaha. Grabbed from Fiel and Help_my_sanity of livejournal.com...(pipz..the author, i revised something ha, puro ka ka kasi "tangina"...credits for you...GOOD JOB men!!!)

"kasi pare ganito daw yun. May isa daw babae na hot daw pare. Maputla siya kasi hindi siya inalagaan ng nanay niya pare. Tapos pare emo daw siya kasi nga daw hindi siya mahal ng mundo at para siyang patay na bata na galit sa mundo. Tapos pare, lumipat daw siya ng tirahan kasi daw masyado daw siyang emo para sa luma niyang tirahan. Sabi niya sa nanay niya "nay gusto ko lumipat kay tatay". Pare hindi nagalit nanay niya. sabi lang ng nanay niya "OK!". So lumipat siya sa tatay niya di ba? Pagkarating niya dun sabi niya, "Erpat bakit maulan dito?" sabi ng erpat niya "bur" months na! malamig na boba". So nagtaka yung babaeng simula ngayon ay tatawagin na lang nating "babaeng maputla at emo".

So pumasok siya sa school di ba? Binigyan siya ng truck ng tatay niya pare. Sabi ng tatay niya "Sayo na tong truck ko". Sabi niya "Salamat Tay".

Pagkarating niyang school, may nakita siyang lalaking mukhang bangkay pero pogi. Sakto. Pogi pero mukhang bangkay. Sabi ni babaeng maputla at emo "hot pare".

Nung chem lab na ni babaeng maputla at emo, natagpuan niyang lab partner niya yung poging bangkay. So nung tinignan siya nung poging bangkay, ang asim ng mukha nito. mukhang nandiri ata kay babaeng maputla at emo.

Sabi ni poging bangkay "mmmmmm". Sabi ni babaeng maputla at emo "aaaayyyy". Sabi ni poging bangkay *tumuro sa teacher nila*". Sabi ni babaeng maputla at emo "oo nga noh. Sabi ni poging bangkay "bampira ako". tapos naghubad siya ng damit at kumintab ang katawan niya kasi linagyan niya ng glitters ang abs niya kasi tigas siya at ganun na ang mga tigas ngayon na nagpupuntang emba.

So pare na in love si babaeng maputla at emo kay poging bangkay. Si poging bangkay naman sige lang kasi sex appeal din daw yun. so ayun. angshweet shweet nila.

"eow poh... ahihihihi"
"bebe mwahugz,..... ^^,"

So tapos nun nagpunta sila sa damuhan kasi.... alam mo na. tapos sabi ni poging bangkay "ikaw na buhay ko ngayon" sabi ni babaeng maputla at emo "Patay ka na". sabi ni poging bangkay "Oo nga pala".

So basically pare yun lang yung mga importanteng nangyari sa buong storya. intense noh? kaya pala nahhook lahat ng tao. Akala ko overrated. Hindi pala. Astig pala. Parang estorya ni Jesus Christ pero may mga bampira. Mas astig. Alam naman natin ang basic equation ng pagkacool."

t?kung anu gd man???rock on noh?hahahah....