October 31, 2011

Shaina: Im not insecure!

PEP.PH - "Lahat siguro ng pinagdaanan ko sa buhay ko."

"Nakilala ko ang sarili ko. Kung ano yung capabilities ko. "

"Kung ano yung kaya kong gawin at hindi ko kayang gawin sa kapwa ko."

Boy Abunda then turned to John Lloyd Cruz, na nakikinig lamang sa mga naging pahayag ni Shaina Magdayao.

Upon listening to Shaina, ano ang gusto nitong sabihin?

"Ako, nirerespeto ko ang pagpunta namin dito. I respect the story.

"And to tell you honestly, Tito Boy, ngayon ko lang narinig 'yan kasi ang tagal naming hindi nag-usap.

"So, nirerespeto ko yun," saad niya.

Totoo bang nag-apologize siya kay Ruffa pagkatapos na mag-text ni Shaina?

"Yeah, totoo yun," pag-amin ni John Lloyd.

"Tinawagan ko siya kasi hindi malinaw sa akin, e. Hindi malinaw sa akin yung mga nangyari.

"Pagkabasa ko ng phone ko, may mga text messages na hindi maganda ang laman and they were not intended for me.

"So, alam ko, may problema.

"Ang inisip ko, instantly, ayoko nang palakihin pa. Ayoko siyang idamay.

"Sabi pa nga niya sa akin, 'Okay, I won't say anything about it para huwag nang lumaki.'"

Sa puntong yun ay hindi napigilan ni Shaina na matawa nang mahina.

Sabi naman ni John Lloyd, "I was just trying to do the right thing, Tito Boy."

BREAK OR NOT. Pagkatapos nito at tinanong ni Boy sina John Lloyd at Shaina kung ano ang estado ng relasyon nila ngayon. Sila ba ay hiwalay na?

Natatawang sagot naman ni John Lloyd tungkol sa tanong, "Akala ko sa dulo yun, a!

"Hindi... nandoon kami Tito Boy sa... I think, after our conversation the other night, malinaw naman sa amin na ina-acknowledge naman na namin na meron kaming pinagdadaanan.

"Meron kaming hinaharap na medyo mahirap.

"And pareho kami na nag-a-agree na alam namin pareho kung ano ang dapat at kailangan naming gawin."

Ayon naman kay Shaina, "Siguro na-realize namin na if para bang gusto namin na maayos pa, or siguro gusto namin na tapusin na, kailangan i-work out namin ang personal issues namin.

No comments: